Share This Page

 

Members

Pinoy Music Video: Staff Picks

Q-York - "Fallen" MUSIC VIDEO


Thumbnail

Song Title: Fallen
Artist: Q-York
Album: Q-York City PROMO
Music Produced by: Flava Matikz for Q-York Edutainment
Lyrics by: Knowa Lazarus, Flava Matikz
Label: Q-York Edutainment / Homeworkz

Music Video By: The Darkroom PH
Director: Michael Angelo Loyola & Joel Angelo Santos
Asst. Director: Knowa Lazarus
Director of…

Sarah Geronimo, Gary Valenciano & Somedaydream - "Tuloy" music video


Thumbnail

Tuloy is the biggest collaboration for 2012 featuring Sarah Geronimo, Gary Valenciano and Somedaydream : )

Vote for Somedaydream at this year's MYX Music Awards. He has 6 nominations. Show him some…

The West Fjords - "Adrift At Twilight" music video


Thumbnail

Official music video for "Adrift At Twilight" from the West Fjords debut album, Telescope. thewestfjords.com

Music and lyrics written by Christian Marquez. The West Fjords are Christian Marquez [guitar], Lynsey Vandenberg [guitar/vocals], Micah Valdes [vocals/glockenspeil], Masaki Yamagata [beats/electronics] and Joel Bernardo…

Maldita - "Porque" music video TAGALOG


Thumbnail

Finally, the video for the Chagalog (Chavacano-Tagalog) version of our song PORQUE is here.

"friends,we understand some of you may be confused as to why there is only 1 vocalist here in this vid whereas there used to be 2 of us.our friend francel chose to drop out of the band last year in order to finish her studies and while we initially felt sad about her leaving, we had…

Rubox - "5 Elements of Hip-Hop" live beatbox at LA 'Kollaboration'


Thumbnail

This is a video of me at the Kollaboration Showcase at the Ford Ampitheatre in Los Angeles doing a beatbox showcase.
Makinig ka. Seryoso 'to.

"Huwag pong mag-alala ang mga kababayan nating mawawalan ng trabaho dito sa bansa natin dahil marami pong trabahong available abroad. Magpunta lamang po sa tanggapan namin for assistance."


Nasa bus ako nang marinig ko yung balita na 'yan sa TV. Sabi 'yan ng isa sa mga.. ahm.. hindi ko alam basta sigurado akong bahagi siya ng gobyernong nagpapatakbo sa hinihingal na 'Pinas. Isang kunot na noo at "Ha? Bakit sa abroad pa?" ang naisukli ko sa balitang 'yun.


Noon pa lang asiwa na ko sa sistema sa bansa natin na patuloy na umaasang "makakapag-abroad" sila, makakapagtrabaho sila "abroad" at giginhawa sila "abroad". Pati sa mga colleges at universities na nagsasabing ensure na ang trabaho nila "abroad". Puro "abroad". Siguro sa ibang makakabasa nito, sasabihin nilang "Parang tanga pala 'tong si Eych, walang alam sa kasalukuyang lagay ng bansa, bakit, may aasahan pa ba dito? Ha? Tanga talaga! Tsk. tsk."

Hindi sa ayaw ko sa mga OFW, dahil OFW ang tatay at tito ko. Hindi sa ayaw kong pumunta sa ibang bansa dahil gusto ko din namang sumakay sa Ferris Wheel sa Disneyland. Hindi sa ayaw ko sa lahat ng Pinoy na iniiwan ang bansa para maghanap ng "mas magandang" kapalaran sa ibayong dagat. Nakakalungkot lang talagang isipin na halos lahat e gusto nang umalis dito dahil mga bad trip na sila. Wala nang aasahan dito, sabi nga ng nakararami.

Nakakalungkot dahil maraming pamilya ang ilang taong nagkakahiwa-hiwalay para kumita ng mas malaking pera, na sabi nila, hindi kikitain dito sa 'Pinas. Alam ko 'yun, dahil ganoon din ang paniniwala ng pamilya ko. Hindi sa hindi ako sumasang-ayon dito, ang totoo nga n'yan, sumasang-ayon ako - bagay na mas nakakalungkot pa kung iisipin mo.

Siguro nga masyado pa akong bata para isipin 'yung mga bagay na 'yan na iniisip ko kung meron pa nga bang nag-iisip ng ganyan. Nagiging tuta na tayo ng ibang bansa, sumasailalim sa kamay ng ibang lahi para sa inaasahang pag-unlad sa buhay. Nakakalungkot dahil sa napakaraming dahilan, hindi natin maranasan 'yan dito sa bansa.

Ano nga bang problema? Pera? Sistema ng gobyerno? O tayo mismo? Meron nga bang ibang dahilan para umasang uunlad tayo sa sarili nating bansa? Sa libo-libong dahilan, meron naman. Pero sa milyong-milyong dahilan, mukhang wala. Kelangan ko na yata talagang tanggapin na hirap na hirap na tayong lahat, na kung tutuusin e dapat yata matagal ko nang natanggap.

Isang buntong-hininga na lang ang kaya kong ipantapos sa blog na 'to.

(READ MORE PINOY BLOGS AT - www.pedxing.co.cc - )

Views: 0

Reply to This

Replies to This Discussion

aw is this really totoo hehehe... tula ba ito ? jajajaja... well, maganda yung pag kasalaysay sa mnga sulat mo. para sa akin i think tau ang may prblema ahiii.. oh nohh.. ang governo pala. hehehe .. maganda ito eych gawin ng song hahaha.. bitaw.. sang ayon ako sa mnga sinusulat moh.. Xxx GBU!!!
totoo ginagawa na tau itik sa ibang lahi hahahaha
totoo po talaga. hay. sana umunlad na ang bansa. tsk tsk
gawin pong song? hindi po ako marunong eh, pwede po ba kayo gumawa if ok lang sa inyo?
visit more pinoy blogs at www.pedxing.co.cc
salamt!=)

Reply to Discussion

RSS

© 2012   Created by Jon - ADMIN.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service